Skyrockets, pumili ng tatlo
October 16, 2005 | 12:00am
Tatlong manlalaro ang may pagkakataong makalaro sa American Basketball Association.
Nagdaos ng tryouts ang expansion team na San Jose Skyrockets sa PhilSports Arena kahapon, subalit 15 lamang ang sumipot. Ito ay dahil maraming ligang kasisimula pa lamang, o mag-uumpisa na.
"Were doing this for community involvement," paliwanag ni Kozumi Hasegawa, isang abogado at alumna ng UCLA. "First of all, I love basketball. I like to see the kind of teamwork like the Bruins."
Buong umaga ang itinakbo ng tryouts, sa pamumuno ni head coach Marc Joffe. Kabilang sa mga sumali ay mga datihan sa PBA gaya nila Rob Johnson at Phil Newton, at ang dating MBA All-Star na si Johnedel Cardel. May mga ilang di-kilalang sumubok din.
"The players should be proud," sabi ni Joffe. "This is a great opportunity, and theyve done well."
Ang orihinal na ABA ay itinayo noong 1960s, at pinagbidahan ng napakaraming mga playground legends. Ilan sa mga sumikat dito ay sina "Dr. J", Julius Erving, Moses Malone at Artis Gilmore. Nang magsara ito noong 1976, kinuha ng NBA ang apat na nalalabing team nito.
Maraming nakatutuwang patakaran ang ABA. Kung halimbaway maagaw ang bola sa backcourt at maibuslo sa loob ng tatlong segundo, tatlong puntos ang maitatala, di lamang dalawa. Kapag naipasok ang bola mula sa halfcourt, apat na puntos ang ibibigay.
Kinausap ng Skyrockets si Mark Magsumbol, Nic Fasano at Antoine Clinton. Si Magsumbol ay naglaro sa NCAA, at si Fasano sa PBL. Si Clinton naman ay isang 67" na expat at manager sa isang call center. Kung matanggap ang isang player, bibigyan siya ng $3,000 hanggang $4,000 bawat buwan. Sasagutin ng team ang pabahay. Maglalaro sila mula Nobyembre hanggang Marso.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am