Pangungunahan ni Roger Fortaleza, secretary-general ng Amateur Boxing Association of the Philippines ang delegasyon na sasabak sa annual slugfest na katatampukan ng mga European boxers habang si Patricio Gaspi ang head coach na aasistehan ni Ronald Chavez.
Ang mga boxers ay sina Asian Champion Harry Tañamor (48-kgs. light-flyweight, Warlito Parreñas (51-kgs., fly-weight), Joan Tipon (54-kgs., bantamweight), Joegin Ladon (57-kgs., featherweight, at Mark Jason Melligen (64-kgs, light welterweight.
Ang RP boxing team ay suportado ng First gentleman Foundation, Ginebra San Miguel, Philippine Sports Commission, Accel at Pacific Heights.
Ang Tammer Cup ay bahagi ng preparasyon ng bansa para sa nalalapit na Southeast Asian Games kung saan gaganapin ang boxing competition sa November 29 hanggang December 3 sa Bacolod City.