Tigers naungusan ng Realtors
October 16, 2005 | 12:00am
Nakabangon ang Sta. Lucia Realty nang magbago ang intensidad ng laro sa ikaapat na quarter tungo sa kanilang 89-79 panalo kontra sa Coca-Cola kagabi sa unang out-of-town game sa season na ito ng Philippine Basketball Association na dumalaw sa kauna-unahang pagkakataon sa Mindanao Civic Center sa Tubod, Lanao Del Norte sa pagpapatuloy ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Cup.
Buhat sa 69-all pagkakahuli papasok sa final canto, isang 14-2 run ang pinakawalan ng Realtors sa pangunguna ni import Luke Whitehead upang ipundar ang 12-puntos na kalamangan, 83-71 at hindi na nila binigyan pa ng pagkakataong makabangon ang Tigers.
Umangat ang Realtors sa 2-1 kartada habang bumagsak naman sa 1-2 ang Coke. (Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended