Apat na Fil-Ams na nakabase sa San Francisco, California, USA ang nakatakdang dumating sa Pilipinas sa Nobyembre 20 para tulungan ang mens at womens beach volleyball teams sa darating na 23rd Southeast Asian Games.
Ang mga ito, ayon kay national head coach Otie Camangian, ay sina 510 Dianne Pascua, 510 Haydee Ilustre, 64 Chad Mowrey at 66 Justin Schonnor.
"Although hindi ko pa sila nakitang maglaro ng actual game, but based on their performance sa US we assumed na malakas talaga silang apat," sabi ni Camangian.
Idaraos ang mens at womens beach volleyball event ng 2005 SEA Games, nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5, sa St. La Salle Grounds sa Bacolod City.
"Naging prangka ako sa kanilang apat noong nakausap ko sila na wala kaming maibibigay sa kanila hindi katulad ng tinatanggap nila sa mga teams nila sa US," ani Camangian kina Pascua, Ilustre, Mowrey at Schonnor.
Ang hometown advantage ng mga Filipino spikers ang inaasahang magbibigay pa sa kanila ng dagdag na bentahe laban sa mga tropa ng Thailand at Vietnam.
Wala pang nahahataw na medalya ang RP mens at womens team sa beach volleyball event ng SEA Games simula noong 1997. (Russell Cadayona)