^

PSN Palaro

May Fil-Ams din ang RP beach volley team

-
Kung may mga Fil-Americans sa basketball, mayroon rin sa beach volleyball.

Apat na Fil-Ams na nakabase sa San Francisco, California, USA ang nakatakdang dumating sa Pilipinas sa Nobyembre 20 para tulungan ang men’s at women’s beach volleyball teams sa darating na 23rd Southeast Asian Games.

Ang mga ito, ayon kay national head coach Otie Camangian, ay sina 5’10 Dianne Pascua, 5’10 Haydee Ilustre, 6’4 Chad Mowrey at 6’6 Justin Schonnor.

"Although hindi ko pa sila nakitang maglaro ng actual game, but based on their performance sa US we assumed na malakas talaga silang apat," sabi ni Camangian.

Idaraos ang men’s at women’s beach volleyball event ng 2005 SEA Games, nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5, sa St. La Salle Grounds sa Bacolod City.

"Naging prangka ako sa kanilang apat noong nakausap ko sila na wala kaming maibibigay sa kanila hindi katulad ng tinatanggap nila sa mga teams nila sa US," ani Camangian kina Pascua, Ilustre, Mowrey at Schonnor.

Ang hometown advantage ng mga Filipino spikers ang inaasahang magbibigay pa sa kanila ng dagdag na bentahe laban sa mga tropa ng Thailand at Vietnam.

Wala pang nahahataw na medalya ang RP men’s at women’s team sa beach volleyball event ng SEA Games simula noong 1997. (Russell Cadayona)

BACOLOD CITY

CAMANGIAN

CHAD MOWREY

DIANNE PASCUA

HAYDEE ILUSTRE

JUSTIN SCHONNOR

NOBYEMBRE

OTIE CAMANGIAN

RUSSELL CADAYONA

SAN FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with