Loyzaga, bagong chairman ng PBL

Nahalal bilang bagong chairman ng Philippine Bas-ketball League (PBL) si Chito Loyzaga, mula sa angkan ng mga greatest player sa bansa.

Ang nasabing development ay maluwag namang tinang-gap ng mga team owners kung saan naniniwala sila na ang dating pro player ay mayaman sa karanasan na makaka-tulong sa patuloy na pag-unlad ng liga.

At ang enthusiasm at ang marubdob na pagpapahalaga ni Loyzaga sa sports, dagdag pa ang enerhiya ng batang Commissioner na si Chino L. Trinidad ang inaasahang lalo pang magpapaangat sa premier amateur league ng bansa na ngayon ay nasa kanilang ika-24th season.

I’m happy with the thrust and confidence they (the Board of Directors) have given to me. I will do everything to help the league sustain its popularity and whatever success it gained in the past," ani Loy-zaga, miyembro ng RP team na tumapos ng runner-up sa China noong 1990 Beijing Games.

Ang bagong halal na chair-man ang panganay na anak ng dating cage great na si Caloy ‘The Big Difference’ Loyzaga.

Bagamat hindi nangangako na makakagawa ng anuman, hangad ni Loyzaga, na sumikat sa kan-yang panahon sa Ginebra San Miguel sa pro league kung saan kilala siya sa kanyang solidong depensa na magkaroon ng pani-bagong blockbuster season.

At gaya ng mga nakaraang taon, umaasa si Loyzaga, kinata-wan ng Magnolia Dairy Ice Cream sa Board, na ang nalalapit na conference - ang 2006 PBL Heroes Cup--na magkaroon ng mas higit na kasiyahan sa mga panatiko ng liga at maging tahanan ng libu-libong manlalaro na magkaroon ng pagkakaisa.

Pinalitan ng 47-anyos na si Loyzaga si Raymond Yu, ang team owner ng Welcoat Paints.

Show comments