^

PSN Palaro

Ikatlong ginto nilangoy ni Danila

-
Nilangoy ni Liza Danila ang kanyang pangatlong gintong medalya sa kabila ng halos dalawang bu-wan na pamamahinga sa aktibong paglangoy.

Kinuha ng 2000 Syd-ney Olympic Games cam-paigner ang gintong me-dalya sa women’s 100-meter backstroke sa oras na 1:06.95 sa Day 3 ng Bank of Commerce-National Open Swimming Championships kahapon sa Rizal Memorial Swim-ming Pool.

Bago ito, pinagrey-nahan muna ng 23-anyos na si Danila ang mga labanan sa women’s 100m freestyle sa bilis na 59.69 at sa 200m back-stroke sa oras na 2:24.99 sa naturang five-day meet na magiging basehan ng Philippine Amateur Swim-ming Association (PASA) sa komposisyon ng RP Squad.

"Hopefully, makapa-sok ulit ako sa Philippine Team for my fifth South-east Asian Games," sabi ni Danila sa target na puwesto sa national team para sa darating na 23rd SEA Games sa Nob-yembre.

Kasunod ni Danila, nag-uwi ng dalawang silver medal mula sa 2003 SEA Games sa Vietnam, sina Luica Dacanay at Lianne Marquez na naglista ng 1:07.59 at 1:10.21, ayon sa pagka-kasunod, sa women’s 100m backstroke.

"Like what I’ve said, I’m just here to push these kids and make them swim good," ani Danila. "Let’s admit it, parang last hurray ko na ito kaya I’m challen-ging these kids to perform really well against me."

Samantala, pinamu-nuan ni Ryan Arabejo ang men’s 400m freestyle sa kanyang 4:08.15, habang pinagreynahan ni Daca-nay ang women’s 100m butterfly sa kanyang 1:05.43 at pinangunahan ni Michaelmars Danila ang men’s 100m backstroke sa kanyang 1:01.06.

Nagpadala naman ng kanya-kanyang record sa PASA ang mga Fil-American swim-mers na sina Miguel Mendoza, Miguel Molina, James Bernard Walsh at Jack-lyn Pangili-nan. (R Cadayona)

ASIAN GAMES

BANK OF COMMERCE-NATIONAL OPEN SWIMMING CHAMPIONSHIPS

DANILA

JAMES BERNARD WALSH

LIANNE MARQUEZ

LIZA DANILA

LUICA DACANAY

MICHAELMARS DANILA

MIGUEL MENDOZA

MIGUEL MOLINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with