^

PSN Palaro

Red Bull vs Barangay Ginebra

-
Sa kauna-una-hang pag-kaka-taon mata-pos ang tatlong taon, muling magkakaharap sina Red Bull mentor Yeng Guiao at import Sean Lampley.

Ngunit sa oras na ito ay sa ibang tropa na maglalaro ang 6-foot-6 na si Lampley, tumulong sa Barakos para makopo ang kampeonato ng 2002 PBA Commissioner’s Cup.

"I don’t know if I’ll feel happy or guilty because Sean Lampley gave us the championship three years ago and now he’s playing with another team," ani Guiao sa 23-anyos na reinforcement na orihinal nilang kinontak bago si Quermont Greer.

Haharapin ng Red Bull ang Barangay Ginebra, ibabanderang muli si Lampley, ngayong alas-7:25 ng gabi makaraan ang salpukan ng Alaska at Purefoods sa alas-4:40 ng hapon sa San Mig Coffee-PBA Fiesta Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Hawak ng Talk N Text ang liderato sa 2-0 kartada nito, habang may magkakaparehong 1-1 marka naman ang Red Bull, Ginebra, Alaska, Purefoods, Sta. Lucia, Air 21 at Coca-Cola kasunod ang San Miguel na may 0-2 baraha.

Sa pagkolekta ng 40 marka, 13 boards, 4 shot-blocks at 2 assists ni Greer, inilusot ng Barakos ang isang 76-75 tagum-pay kontra sa Aces noong Linggo.

"Actually, nakausap na namin si Sean bago itong conference. But I don’t know what happen in the negotiation. Basta bigla na lang siyang nawala sa amin," wika ni Guiao kay Lampley, umiskor ng 25 puntos sa 88-92 kabiguan ng Gin Kings sa Realtors noong Linggo.

Katulad ng Red Bull at Ginebra, puntirya rin ng Alaska at Purefoods na masolo ang ikalawang puwesto matapos ang magkahiwalay nilang pagkatalo. (R. Cadayona)

vuukle comment

BARAKOS

BARANGAY GINEBRA

BUT I

CUNETA ASTRODOME

FIESTA CUP

GIN KINGS

LAMPLEY

PUREFOODS

RED BULL

SEAN LAMPLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with