NAAP officials nakipagpulong sa mga taga-SBMA
October 12, 2005 | 12:00am
Nakipagpulong ang mga opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) kamakailan sa National Archery Association of the Philippines (NAAP) upang tiyakin na maayos ang kanilang paghahanda sa dating American base para sa pagho-host ng 23rd Southeast Asian Games.
"We want the whole Southeast Asian region and the whole world as well, to know that we can stage one of the major sports in the SEA Games," ani SBMA administrator Alfredo Antonio. "We have the facilities, we have the scenery and we certainly have the manpower for such event."
Ayon kay NAAP president Leonora Fe Brawner, maagang nagsimulang mag-training ang mga Filipino archers sa Subic para maging pamilyar sa venue.
"Subic is the perfect venue for archery because of its wide open areas and sunny climate," wika pa ni Brawner.
Kasalukuyang nagsasanay ang RP archery team sa Remy Field football grounds, kung saan nagpa-practice sila ng dalawang beses sa isang araw.
Bukod kay Brawner, ang iba pang opisyal ng NAAP ay sina secretary-general Ligaya Manalang, national judge Fe Empaynado at head coach Henry Manalang.
Kumpiyansa si Manalang na mananalo ng gintong medalya ang koponan dahil sa home-court advantage.
Dumating na rin ang canoe/kayak team sa Subic para masanay na sa playing venue.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended