^

PSN Palaro

Kakulangan sa oras para sa renobasyon ng mga venues, posibleng makaapekto sa hometown advantage ng atleta

-
Ang pagkagahol sa reno-basyon ng mga venues ang siyang magbabasura sa anu-mang 'hometown advantage' ng Pilipinas para sa darating na 23rd Southeast Asian Games.

Ayon kay Philippine Ama-teur Track and Field Associa-tion (PATAFA) president Go Teng Kok, magkakasabay sa kani-kanilang paggamit sa mga venues ang mga Pinoy at mga atleta ng 10 pang ban-sang lalahok sa nasabing bien-nial meet sa Nobyembre.

"We will definitely lost our hometown advantage against the likes of Vietnam, Thailand, Malaysia and Indonesia kasi magsasabay tayong lahat sa paggamit ng mga venues," wika ni Go.

Kasalukuyan pa ring gina-gawa ang maalamat nang mga venues sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila at sa PhilSports Com-plex sa Pasig City.

Hindi pa rin natatapos ang pagpapagawa sa Rizal Me-morial Track Oval na siyang gagamitin ng PATAFA para sa athletics event ng 2005 SEA Games.

Bukod sa track oval, ang iba pang kinukumpuni ng Phi-lippine Sports Commission (PSC) sa RMSC ay ang Ninoy Aquino Stadium, ang Rizal Me-morial Coliseum, ang lawn ten-nis center at ang gymnastics center.

Nakatakda ang nasabing biennial event sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5 sa Metro Manila, Bacolod City, Cebu City at Subic. (Russell Cadayona)

BACOLOD CITY

CEBU CITY

GO TENG KOK

MALAYSIA AND INDONESIA

METRO MANILA

NINOY AQUINO STADIUM

NOBYEMBRE

PASIG CITY

PHILIPPINE AMA

RIZAL ME

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with