^

PSN Palaro

Sabal bagong Milo Marathon king

-
Pinutungan na niya ang kanyang sarili bilang bagong hari, may dagdag pa siyang insentibo bilang record-breaker.

Inangkin ni Cresencia-no Sabal ang korona ng men’s 42-kilometer divi-sion sa pamamagitan ng isang record-breaking performance sa dinumog na 29th National Milo Ma-rathon kahapon sa Qui-rino Grandstand.

Naglista ang 26-anyos na si Sabal, isang private first class sa Philippine Ar-my, ng oras na 2:21:33 na bumasag sa 2002 re-cord na 2:22:00 ni national runner Eduardo Buena-vista para sa dagdag na P10,000 bukod pa sa premyo niyang P75,000.

"Mas maganda sana kung tumakbo rin si Roy Ven-ce para nasabayan ko at na-kakuha man lang ako ng tip sa kanya tungkol sa pagtak-bo," sabi ni Sabal, sinundan nina Juniel Languido ng Ca-gayan de Oro (2:27:35) at Rodolfo Tacadino (2:31:19) ng Santiago, Isabela, sa da-ting kampeong si Vence na hindi sumali para pagtuunan ang paghahanda sa nalalapit na Southeast Asian Games. "Masaya na rin ako kasi ako ang nanalo."

Naglista naman ang Commerce student ng Uni-versity of the East na si Jhoan Banayag ng bilis na 2:59:57 para angkinin ang korona ng women’s 42K division na may premyong P75,000.

"Talagang sumakit po ‘yung mga paa at hita ko nu’ng nasa The Fort sa Taguig na po kami," sabi ng 24-anyos na si Banayag, tubong Maragusan, Com-postela Valley sa kanyang naranasan bago maagaw sa dating reynang si Estella Mamac-Diaz ang titulo. "Pero sabi ko sa sarili ko na kaya ko pa ito at gusto kong mag-champion. Kaya pinilit ko talagang tumakbo kahit na medyo masakit ang ka-tawan ko." (Rcadayona)

EDUARDO BUENA

ESTELLA MAMAC-DIAZ

JHOAN BANAYAG

JUNIEL LANGUIDO

NAGLISTA

NATIONAL MILO MA

PHILIPPINE AR

RODOLFO TACADINO

SABAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with