^

PSN Palaro

Red Bull bumangon

-
Ngayon pa lamang ay may kandidato na si Yeng Guiao para sa Best Import Award.

Humakot si import Quemont Greer ng game-high 40 puntos, 23 rito ay kanyang kinolekta sa second half, upang ihatid ang Red Bull sa 76-75 tagumpay kontra Alaska sa San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference kagabi sa Araneta Coliseum.

"I think this early he's got to be the best import at this point," sabi Guiao sa produkto ng DePaul University na nagbigay sa Barakos ng 75-72 ben-tahe sa huling 20.1 se-gundo ng fourth quarter mula sa one-handed slam dunk. "I hope he can sus-tain this kind of game and so as the support from the locals."

Ang split ni Greer matapos ang 3-pointer ni Tony Dela Cruz sa huling 4.2 segundo na nagtabla sa Alaska sa 75-75 ang nag-akay sa Red Bull sa panalo.

Pareho ngayong may 1-1 kartada ang Barakos at ang Aces, naantala ang hangad na 2-0 start.

Bukod sa 40 puntos, nagposte rin ang 6-foot-5 na si Greer ng 13 boards, 4 shotblocks at 2 assists para sa Barakos kasunod ang 12 marka ni Rico Villa-nueva. (RCadayona)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BARAKOS

BEST IMPORT AWARD

FIESTA CONFERENCE

GREER

QUEMONT GREER

RED BULL

RICO VILLA

SAN MIG COFFEE

TONY DELA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with