^

PSN Palaro

Pacquiao nalo via split decision

-
LAS VEGAS --Nag-ningning muli ang panga-lang Pacquiao sa Amerika ay agad inamin ni boxing star Manny na marami pang dapat matutunan ang kanyang nakababa-tang kapatid na si Bobby matapos nitong talunin kahapon si Carlos Alberto "Famoso" Hernandez ng El Salvador sa kanilang 10-round super-feather-weight bout sa Thomas and Mack Center dito.

"Marami pa siyang dapat matutunan," wika ni Manny ilang minuto bago ang mga ito ay umalis ng pinagboksingan. "Kaila-ngan tibayan pa niya ang katawan. Bibigyan ko pa siya ng maraming tips."

Nanalo si Bobby sa pamamagitan ng 10-round split decision mata-pos ang scores na 95-93 (Duane Ford) at 95-94 (Chuck Giampa). Ang ikatlong hurado naman na si Robert Hoyle ay ku-mampi kay Hernandez sa score na 97-92.

Nagawang pabag-sakin ni Bobby si Hernan-dez sa ikalawang round sa tindi at bilis ng kanyang left straight.

Matapos mapahiya ay nanumbalik ang tapang at lakas ni Hernandez kung kaya’t may ilan-ilang mga sandali na marami ang nag-akala na anumang sandali ay babagsak si Bobby.

Subalit naging mata-tag si Bobby sa harap ng isang beteranong kalaban na hindi man lamang na-pabagsak ni Erik Morales noong isang taon.

"Talagang tiniis ko ang hirap ng ensayo (sa Wild Card Gym) kaya’t heto at hindi lang nakatagal kundi nanalo pa," wika ni Bobby.

Wala pang katiyakan kung may rematch sina Bobby at Hernandez. (JMMARQUEZ)

vuukle comment

BOBBY

CARLOS ALBERTO

CHUCK GIAMPA

DUANE FORD

EL SALVADOR

ERIK MORALES

HERNANDEZ

ROBERT HOYLE

THOMAS AND MACK CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with