CEBU DANCESPORTS OPEN, HANDANG-HANDA NA

Naisulat ng inyong lingkod na handang-handa na ang la-lawigan ng Cebu para sa darating na Southeast Asian Games. Subalit, ang pagsasama-sama ng mga mahuhusay na atleta sa rehiyon ay may dagdag na pakinabang. Dahil dito, may pagkakataon ang Cebu na idaos ang kauna-unahang inter-national dancesport event doon.

Ang Team Cebu City Dancesport, na siyang punong-abala sa SEA Games dancesport competition bilang kinatawan ng Dancesport Council of the Philippines (DSCP), ay nag-oorga-nisa ng unang Cebu Open International Dancesport cham-pionship sa Waterfront Hotel sa Lahug, kung saan gaganapin ang SEA Games dancesport competition.

"This was a rare opportunity for us," paliwanag ni Edward Hayco,na isa sa mga nagbuklod ng Cebu’s dancesport group. "We felt that, since all of the adjudicators and most of the competitors were already here, it would be easy to get them to stay another day for a Cebu Open."

Apat na taon pa lang ang lumilipas mula nang mahumaling ang mag-asawang Edward at Eleanor sa dancesport. Itinatag nila ang Team Cebu City Dancesport, at di nagtagal ay nakuha ang suporta ng pamahalaan ng Cebu City. Ikinalat nila ang pagsasanay sa mga kababayan nila, maging ang mga kaba-taan. Mabilis namang nagbunga ang pagod nila. Sa December at March national ranking tournaments, nakuha ng Cebu ang 17 sa 23 ginto.

Gumawa ang Team Cebu City Dancesport ng mahigit 5,000 flyer para sa Cebu Open, na ikinalat ng Philippine dance athle-tes sa mga sinalihan nilang labanan sa Taiwan, Singapore, Malaysia at Hong Kong. Binaha sila ng lahok.

"We got entries from as far away as Russia, the US and France. Even we never thought we would get entries from that far away," paglalahad ni Eleanor Hayco, na isa ring dance athlete.

Kumuha ang Cebu ng 120 kuwarto sa Waterfront. Sa nga-yon, 75 na ang nakuha.

"All major tourism events are sporting events," paliwanag ni Patrick Gregorio, na pinuno ng Waterfront group at Cebu Visitors and Conventions Bureau noong sinimulan ang plano para sa Cebu Open. "The Cebu Open would bring in families from all over. That’s tourism."

Salamat sa SEA Games, may pagkakataon ang Cebu na ipamahagi ang husay ng Pilipino sa mundo.

Show comments