Pennisi puwedeng nang bumalik sa Pinas

Maaari nang makabalik ng bansa si Red Bull center player Michael Alfio Pennisi matapos na ideklara ng Court of Appeals (CA) na nagkamali ang Department of Justice (DoJ) at Bureau of Immigration (BI) sa pagsasabing wala itong dugong Filipino.

Sa ipinalabas na desisyon ng CA-15th division, sinabi nito na nabigo ang DoJ at BI na makapagpri-sinta ng ebidensiya na magpapatunay na hindi tunay na Pinay ang ina ni Pennisi na si Anita Tomeda Quintos.

Ipinaliwanag pa ng CA na kuwestiyunable ang pagbawi ng DoJ at BI sa Certificate of Recognition kay Pennisi dahil apat na taon na ang nakakaraan ng ibigay sa kanya ang naturang Certificate of Recognition.

Bunga nito’y ipinawalang saysay ng CA ang naunang kautusan ng DoJ na kanselahin ang Certifi-cate of Recognition kay Pennisi at ang summary deportation ng BI laban sa cager.

Si Pennisi ay una ng naghain ng petition sa CA upang kuwestiyunin ang kautusan ng DoJ at BI ng ideklara siyang walang dugong Filipino. (G.dela Cruz)

Show comments