Pinay belles nagpasikat
October 8, 2005 | 12:00am
Tulad ng inaasahan, iginupo ng pinapaborang Team Philippines ang Myanmar, 25-14, 25-14, 25-17, sa panimula ng Shakeys Invitational Volleyball Championship sa Rizal Coliseum, kagabi.
Pinulbos ni Cherry Rose Macatangay ang mga Burmese sa kanyang 15 hits, kabilang na ang 11 attacks nang banderahan nito ang panalo ng Pinay.
Gayunpaman, mas masusubukan ang host Pinay sa kanilang laban sa Indonesia ngayong alas-5 ng hapon bago nila makaharap bukas ang title favorite Thailand.
Ang tatlong araw na event, na bahagi ng preparasyon ng national team para sa Southeast Asian Games sa susunod na buwan dito, ay iniisponsoran ng Shakeys at suportado din ng Accel, Mikasa at Philippine Sports Commission.
"Medyo bumigay agad ang Myanmar," ani RP team coach Ramil de Jesus. "Bago pa lang kasi ang Myanmar, six months pa lang silang nagpra-practice."
Halos isang oras at walong minuto lamang dinispatsa ng Pinay ang Myanmar na hindi nakayanan ang atake ng host sa net.
Sa katunayan mas napabilis pa sana ang laban kung naiwasan ng Pinay spikers ang ilang pagkakamali.
Ang Nationals ay humugot ng 23 miscues, dalawang kalamangan sa Burmese mula sa service errors.
"Nanggigil siguro," ani de Jesus, ang coach na gumiya sa De La Salle Lady Archers sa UAAP three-peat sa finals laban sa Adamson Lady Falcons kamakailan.
Makakaharap ng Philippines, na huling nagwagi ng SEAG gold noong 1993 Singapore Games, ang Indonesia bago makalaban ang Thailand bukas.
"Well see tomorrow (ngayon), hindi pa kasi natin nakikita kung paano sila maglaro," wika ni de Jesus.
Sa ikalawang laro, tinapatan ng Thailand, nagdomina sa huling limang pagtatanghal ng SEA Games, ang panalo ng Philippines sa pamamagitan ng 25-16, 25-23, 25-20, panalo laban sa Indonesia.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended