^

PSN Palaro

Paghihiganti ang dahilan sa panalo ng FEU

-
Ang paghihiganti sa De La Salle University ang pinakamalaking dahilan kung bakit nagpursigi si Arwind Santos na ihatid ang Far Eastern University sa titulo ng UAAP men’s basketball.

"Nagbunga rin ang hindi ko pagsali sa PBA draft this year. Nakaganti rin kami sa La Salle," pahayag ng FEU star player na si Santos matapos ma-sweep ng Tamaraws ang Archers sa kanilang best-of-three series sa 2-0 para mabawi ang titulo.

Noong nakaraang taon, bagamat naipuslit ni Santos ang Most Valuable Player trophy laban sa La Salle Hotshot na si Mark Cardona na naglalaro na ngayon para sa Talk N Text sa PBA, ipinagkait sa kanila ng La Salle ang inaasam na back-to-back title.

Sa taong ito, bumawi ang Far Eastern nang ipagkait din nila ang ikalawang sunod na titulo sa Archers at naisubi pa ni Santos ang ikalawang MVP title nang walang hirap.

"Nagdecide akong mag-stay sa FEU kasi hoping ako na magkaroon ng rematch against sa La Salle para makabawi kami at nangyari nga," ani Santos na siya ring tinanghal na MVP ng Finals para sa ika-18th overall title ng Tamaraws na pumantay na ngayon sa University of Santo Tomas at University of the East sa mga winningest teams sa UAAP men’s basketball.

Ipinagpapasalamat ni FEU coach Bert Flores ang pananatili ni Santos sa koponan gayundin kina Mark Isip, Joh Rizada at ang Fim-Am na si Jonas Villanueva na siyang gumanap ng mahalagang papel sa huling maiinit na segundo ng Game-Two sa Araneta Coliseum kamakalawa tungo sa title clinching 73-71 panalo. (Carmela Ochoa)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ARWIND SANTOS

BERT FLORES

CARMELA OCHOA

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN

FAR EASTERN UNIVERSITY

JOH RIZADA

JONAS VILLANUEVA

LA SALLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with