^

PSN Palaro

2nd win asam ng Purefoods

-
Ang magandang simula ng Purefoods Chunkee Giants ay nais nilang masundan ngayon kasabay ng pagdedebut ng defending champion San Miguel Beer at top-pick team na Talk N Text sa PBA San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference na magpapatuloy ngayon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Makakasagupa ng Giants ang Air21 sa pambungad na laro sa ganap na alas-4:45 ng hapon kung saan ipaparada ng Express ang kanilang import na si Shawn Daniels laban sa impresibong import ng Purefoods na si Marquin Chandler.

Inaasahang magiging maganda naman ang laban ng SMBeer na napanatiling intact ang kanilang roster na nag-kampeon sa kumperensiyang ito ng nakaraang season at Phone Pals na nakabingwit ng malalaking rookies, sa tampok na laro, alas-7:25 ng gabi.

Makakaliskisan naman ngayon ang top draft pick na si Fil-Am Anthony Washington at kapwa nito rookie na si Mark Cardona na nakuha ng Phone Pals mula sa Air21.

Sa pagpasok nina Washington at Cardona dagdag pa ang pagbabalik aksiyon ni Paul Asi Taulava, ang Phone Pals ay isa sa kinatatakutang team sa kumperensiyang ito lalo na kung magiging epektibo pa rin ang kanilang balik-PBA import na si Damien Cantrell.

Umaasa naman ang San Miguel na masasandalan nila ang kanilang import na si Rico Hill para tapatan ang eksplosibong line-up ng Phone Pals, lalo pa’t may injury sina Dorian Peña at Dondon Hontiveros. (CVOchoa)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

DAMIEN CANTRELL

DONDON HONTIVEROS

DORIAN PE

FIESTA CONFERENCE

FIL-AM ANTHONY WASHINGTON

MARK CARDONA

MARQUIN CHANDLER

PAUL ASI TAULAVA

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with