Sino ang magiging hari at reyna ng Milo Marathon?
October 7, 2005 | 12:00am
Titiklop na ang 29th National Milo Marathon sa darating na Linggo, Oct. 9 sa Quirino Grandstand sa Manila na magtatampok sa mga long distance runners sa bansa na nanalo mula sa 13 regional qualifying races ang maglalabanlaban para sa top purse na P75,000.
Bagong kampeon ang inaasahang pupukaw ng atensiyon sa mens 42K run ngayong taon sa dahilang lumiban ang nakaraang taong kampeon na si Roy Vence.
Kasalukuyang nagti-training ang six-time Milo Marathon winner na si Vence para sa nalalapit na 23rd Southeast Asian Games na nakatakdang pumalaot sa susunod na buwan kasama ang mga dating kampeon na sina Eduardo Buenavista (2002) at Allan Ballester (2000, 2001).
At sa pagkawala ng mga national athletes, ang 29th edisyon ng nasabing foot race na ginaganap sa pakikipag-partnership sa Bayview Park Hotel-Manila, Adidas, Cebu Pacific, Smart Kid, Department of Tourism, Addict Mobile Prepaid at Powerbar, ay bukas para sa lahat. Naglaan ng buong suporta si Manila Mayor Lito Atienza para sa 29th National Milo Marathon finals sa tulong ng MASCO na pinangangasiwaan mismo ng kanyang anak na si Ali Atienza.
Sa distaff side, inaasahang magtatagisan ng lakas ang defending champion na si Estella Mamac-Diaz ng Davao City at ang 2003 champion na si Liza Yambao, na bumandera sa 42K NCR elimination leg noong Agosto 7 at ang iba pang regional winners.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended