^

PSN Palaro

Fil-Am cager hinugot ng Letran

-
Gaya ng inaasahan, kinuha ng Toyota Otis-Letran si Fil-Am Joe Calvin Devance bilang overall top pick kahapon sa 2006 PBL Heroes Cup kasabay ng malugod na pagsalubong sa pagbabalik sa liga ng Hapee Toothpaste at ICTSI. Naniniwala si Toyota Otis-Letran coach Louie Alas na ang 6-foot-7 na si Devance mula sa Hawaii ang magpapalakas ng perimeter area.

"He’s the man we are looking for, tall and agile," ani Alas. "I hope he would live up to everybody’s expectations."

Matapos mag-leave of absence sa nakaraang conference, nagbabalik ang Hapee at ICTSI na sasabak sa kick-off tournament ng 24th season sa Oct. 29 sa La Salle Greenhills. Dadalhin ng NCAA runner-up Philippine Christian University ang pangalan ng Hapee Toothpaste habang ang La Salle naman ang magsusuot ng uniporme ng ICTSI.

Tinanggap din ng liga ang Far Eastern Insurance bilang guest team, para sa kabuuang siyam na koponang maglalaban-laban sa season-opening conference ng PBL.

"We welcomed the return of Hapee and ICTSI," ani Commissioner Chino Trinidad. "I’m sure this coming conference is going to be exciting with the return of the two tough teams." Napiling No. 2 pick si Kelvin dela Peña, ang NCAA rookie sensation, ng Harbour Centre na kumuha rin kay Fil-Am Robert Reyes matapos umalis sina Gabby Espinas, Robert Sanz, Jason Castro at Joel Solis -- na mga players ng PCU.

Si Ryan Arceo, isa pang Fil-foreign player sa 118-pool, ang No. 3 ng Magnolia Dairy Ice Cream; si Japeth Aguilar, ang 6-foot-7 center ng Ateneo ang No. 4 pick ng Granny Goose: si Jason Ballesteros ng San Sebastian ang No. 5 (Montaña Pawnshop), Tristan Veranga ng Mapua ang No. 6 (Welcoat Paints), Chito Jaime ng Colegio de San Lorenzo ang No. 7 (ICTSI), Francis de Leon ng San Sebastian ang No. 8 (Hapee) at si Jay Robert Sierra ang No. 9 (Far Eastern Insurance).

May kabuuang 32 players, 10 nito ay mga Fil-foreigners, ang na-draft kung saan lima nito ay napunta sa Jewels. Kinuha rin ng Knights si John Marc Agustin ng Adamson sa second round at Mark Constantino. Bukod sa tatlong players ng University of the East na sina Earn Saguindel, Luis Palaganas at Marcelino Arellano. Kinuha rin ng Port Masters sina Leemore Boliver mula sa Maysun National High School na siyang pinakaimpresibo sa Rookie Camp noong Lunes. Nakuha rin sa second rounds sina Allen Paul Aguada (Magnolia), Mark Jonas Ababon (Granny), Arturo Atablanco (Montaña), Gilbert Cole (Welcoat), Lucas Becker (ICTSI), Floyd Dedicatoria (Hapee) at Glenn Perseverance (Far Eastern Insurance).

Sorpresang kinuha ni Hapee coach Junel Baculi ang kanyang 25-gulang na anak sa fourth round na naglaro sa Skyline College sa California.

ALLEN PAUL AGUADA

ARTURO ATABLANCO

CHITO JAIME

COMMISSIONER CHINO TRINIDAD

FAR EASTERN INSURANCE

HAPEE

HAPEE TOOTHPASTE

SAN SEBASTIAN

TOYOTA OTIS-LETRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with