^

PSN Palaro

Pinay pugs nakuntento sa 2 bronze

-
Kapwa bumagsak sina Gretchen Abaniel at Mitchell Martinez kontra sa mga mas eksperyensadong kalaban sa 3rd World Women’s Boxing Championships sa Podolsk, Russia para magkasya lamang sa bronze medal.

Nadiskaril si Abaniel sa kanyang kampanya sa gintong medalya matapos lumasap ng kabiguan sa North Korean na si Jong Ok sa nakapanghihinayang na 20-22 points decision sa kanilang 46-kg. bout.

Hindi naman nakaporma si Martinez, kontra kay Tatar Gulsum ng Turkey sa kanilang 60-kg match sa nakakahiyang 26-42 kabiguan.

Bagamat sinikap ni Martinez, gold medalist sa Asian Women’s Boxing Championships na ginanap sa Taipei sa taong ito, hindi nito nakayanan ang husay ng Turkish boxer.

"They gave their best shots," ani Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) president Manny Lopez ukol sa laban nina Abaniel at Martinez. "It just so happened that they ran into more experienced fighters."

Mag-uuwi ng dalawang bronze medal ang RP women’s boxing squad mula sa biyaheng ito na magsisilbing tune-up para sa nalalapit na SEA Games sa tulong ng FG Foundation, Ginebra San Miguel, Philippine Sports Commission at Pacific Heights.

vuukle comment

ABANIEL

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ASIAN WOMEN

BOXING CHAMPIONSHIPS

GINEBRA SAN MIGUEL

GRETCHEN ABANIEL

JONG OK

MANNY LOPEZ

MITCHELL MARTINEZ

NORTH KOREAN

PACIFIC HEIGHTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with