Itoy matapos ang tagumpay ni Gretchen Abaniel laban kay Aktop Deria ng Turkey sa pin-weight division.
Naging mainit ang simula ni Abaniel, Asian womens tourney silver medalists, upang agad na makapagpundar ng mala-king kalamangan kay Deria na bronze medalist sa European Champion-ships.
Tinapos ni Abaniel ang unang round sa 16-5 kalamangan ngunit ti-nangkang makahabol ng Turkish pug sa ikalawang round na kanyang pinag-wagian sa 13-11 upang ibaba sa pitong puntos ang kalamangan ng Pi-nay pug.
Naging mainit ang sagupaan sa ikatlong round dahil sa paghaha-bol ni Aktop na nauwi lamang sa wala nang pakawalan siya ni Abaniel ng 2-3 combination tungo sa kanyang tagumpay sa 46.kgs division.
Ang panalong ito ay nagsulong sa kanya sa semifinals at para maka-siguro ng bronze medal para sa Team Philippines.
Ang isa pang Pinay entry na si lightweight Mtchell Martinez, gold medalist sa first at third Asian Championships na nanalo sa kanyang unang asignatura laban kay Australian Erin Mcgowan ang sasalang sa lona.
Makakasagupa niya si Cuni Teuta ng Sweden para makasiguro ng silver medal sa isa pang semi-final bout.
Kasama sa biyaheng ito ng RP womens boxing team si coach Roel Velas-co na magsisilbing tune-up para sa nalalapit na SEA Games sa tulong ng FG Foundation, Ginebra San Miguel, Philippine Sports Commission at Pacific Heights.