Target ng national coaching staff ang finals stint matapos ang kanilang training at exposure dito at sa ibang bansa at dahil na rin sa suporta ng pribadong sektor partikular na ang Shakey's Pizza.
Ang Thailand na nagdomina sa huling apat na pagta-tanghal ng SEAG, ang team to beat sa Manila SEA Games sa Nov. 27-Dec. 5 ngunit may injury ang ilan sa kanilang mga players kaya malaki ang tsansa ng RP squad.
Ang Nationals na pangungunahan nina Cherry Maca-tangay, Michelle Carolino at Roxanne Pimentel ay may pagkakataong sukatin ang kanilang lakas kontra sa Thai-land sa exhibition tournament na Shakey's Invitational Volleyball na magsisimula sa Oct. 7 sa Rizal Coliseum.
Ang event na inorganisa ng Philippine Volleyball Fede-ration at Solar Sports katulong ang Sports bilang event coordinator, ay magsisilbing tune-up para sa SEA Games ng RP Team na kinabibilangan din nina Mayette Carolino, Tina Salak, Mary Jean Balse, Maureen Penetrante, Suzaine Roces, Shermain Penano, Lali Penaflorida, Desiree Hernan-dez, Rubie de Leon at Monica Aleta.