Nakatipid ang PHILSOC
September 30, 2005 | 12:00am
Walang rebate kundi nakatipid lamang ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHILSOC) ayon kay Cynthia Carrion, head ng accommodation committee upang linawin ang mga isyu ukol sa hotel rates para sa Nov. 27- Dec. 5 meet.
"What happened? Instead of recognizing our efforts to help PHILSOC in its campaign to save money, parang kami pa ang masama. Were just doing our job," wika ng dating sports commissioner.
Dahil sa pakikipagnegosasyon ni Carrion, naibaba ang hotel rates sa $32 mula sa regular rate na $40 ngunit nilinaw niyang hindi ang PHILSOC ang magbabayad nito kundi ang mga partisipante.
"Other hotels agreed to our plea to slash the budget to $32 and were happy for their cooperation since we have a limited budget. But for Gods sake, bakit parang lumalabas na masama pa kami," ani Carrion na sports director ng Tourism Department.
Ipinaliwanag niyang ang trabaho ng kanyang komite ay i-book ang tinatayang 5,000 atleta at opisyal na makikibahagi sa biennial meet sa first-class accommodation ngunit hindi sila ang magbabayad.
Sinabi pa ni Carrion na pinuno ng aerobics association na wala siyang dapat ipaliwanag ukol sa $8 na natipid ng organizers.
"Theres no rebate. Were just saving a little and trying to get low rates in some hotels," ani Carrion.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended