PBA magpa-party sa Baywalk
September 30, 2005 | 12:00am
Gusto nyo bang makipag-party kasama si Enrico Villanueva? O makpag sing-along kay Rich Alvarez?
Dumaan lamang kayo sa Baywalk dahil dito gaganapin ng Philippine Basketball Association ang malaking street party ngayong gabi upang pormal na ilunsad ang kanilang 2005-06 season.
Ang event na "PBA Rocks Baywalk" ay magsisimula sa alas-6:00 ng gabi na katatampukan ng mga sikat na alternative bands sa bansa.
"This is an opportunity for all PBA fans to party and have some fun with their favorite stars. So I'm inviting all PBA fans to be there because this is really for them," ani Commissioner Noli Eala. "I would also want to take the opportunity to once again thank the City of Manila and Mayor Lito Atienza for being a gracious co-host of this special project."
Ang event na ito na suportado ni Arnold "Ali" Atienza ng Manila Sports Council ay katatampukan ng mini-concert ng Imago, Blue Ketchup, Milk and Money, Sandwich, 6 Cycle Mind, Razorback at Brownbeat All-Star.
Ang iba pang bandang magpe-perform ay ang Spelling Contest, Valley of Chrome, Ciudad, Soap Dish, Protein Shake, Monsterbot, Wildmoodswing at Boy Elroy.
Para mapaglingkuran ang mga fans, magbebenta rin ng tickets para sa opening game sa Linggo sa Araneta Coliseum kung saan magsasagupa ang Red Bull at Purefoods.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended