"Focus lang kami sa Game-Two kasi kalahati pa lang itong nakuha namin," ani mentor Bert Flores sa kanyang Tamaraws. "Definitely may mga adjustments na mangyayari sa Game-Two."
Nakatakda ang Game-Two sa Huwebes sa Big Dome.
Isang three point shot ni Arwind Santos ang nagtabla sa Tamaraws sa 73-all makaraan ang split ni Green Archer Ryan Araña sa huling 48.6 segundo ng final canto.
Ang three-second violation kay La Salle Joseph Yeo ang nagresulta sa tip-in ni Santos buhat sa mintis na jumpshot ni Mark Isip para sa 75-73 bentahe ng FEU sa natitirang 5.5 tikada.
Nang matapos ang laro, sinapok ni assistant team manager Manny Salgado ng La Salle si Santos na nagresulta ng komosyon.
Nakalapit din ang UPIS Baby Maroons sa juniors division nang kanilang igupo ang defending champion Ateneo Blue Eaglets, 76-58 sa Game 1 ng kanilang sariling title showdown.
Umiskor din ng malaking panalo ang Ateneo Lady Eagles, nang kanilang igupo ang defending champion Adamson Lady Falcons, 66-56 para makalapit sa titulo ng womens division. (Russell Cadayona)