^

PSN Palaro

Nakauna na ang FEU

-
Naaamoy na ng Tamaraws ang kanilang ika-18th crown matapos igupo ng Far Eastern University ang nagdedepensang De La Salle University, 75-73 sa Game-One upang iposte ang kanilang 1-0 lead sa 68th UAAP men’s basketball championships kahapon sa Araneta Coliseum.

"Focus lang kami sa Game-Two kasi kalahati pa lang itong nakuha namin," ani mentor Bert Flores sa kanyang Tamaraws. "Definitely may mga adjustments na mangyayari sa Game-Two."

Nakatakda ang Game-Two sa Huwebes sa Big Dome.

Isang three point shot ni Arwind Santos ang nagtabla sa Tamaraws sa 73-all makaraan ang split ni Green Archer Ryan Araña sa huling 48.6 segundo ng final canto.

Ang three-second violation kay La Salle Joseph Yeo ang nagresulta sa tip-in ni Santos buhat sa mintis na jumpshot ni Mark Isip para sa 75-73 bentahe ng FEU sa natitirang 5.5 tikada.

Nang matapos ang laro, sinapok ni assistant team manager Manny Salgado ng La Salle si Santos na nagresulta ng komosyon.

Nakalapit din ang UPIS Baby Maroons sa junior’s division nang kanilang igupo ang defending champion Ateneo Blue Eaglets, 76-58 sa Game 1 ng kanilang sariling title showdown.

Umiskor din ng malaking panalo ang Ateneo Lady Eagles, nang kanilang igupo ang defending champion Adamson Lady Falcons, 66-56 para makalapit sa titulo ng women’s division. (Russell Cadayona)

ADAMSON LADY FALCONS

ARANETA COLISEUM

ARWIND SANTOS

ATENEO BLUE EAGLETS

ATENEO LADY EAGLES

BABY MAROONS

BERT FLORES

BIG DOME

GAME-TWO

TAMARAWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with