^

PSN Palaro

SEAG billboards, streamers ikakalat na sa buong Maynila

-
Malalaking billboards at streamers na may logos at mascot ng 23rd Southeast Asian Games ang magkakalat sa mga pangunahing kalye ng Manila.

Sinabi ni marketing at merchandizing committee ng Philippine Southeast Asian Games (PHILSOC) sa ilalim ni Boy Santiago na ang nadelay na paglalagay ng mga billboards dahil sa problema sa budget ng awareness campaign ng mga organizers para sa nalalapit na Nov. 27-Dec. 5 meet.

"Part of the blame is on the budgetary aspect. But after getting aid from sponsors, at least nabibigyan na natin ng aksiyon `yung ibang aspect ng ating preparations," ani Santiago.

Nauna rito, nakipagpulong ang mga PHILSOC officials sa pangunguna ng president at chief executive officer Jose ‘Peping’ Cojuangco Jr. sa mga representatives ng lahat ng mga local government units na may kinalaman sa Games at officials ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ukol sa paglalagay ng SEAG flags, streamers at banners sa mga kalye at strategic locations sa lungsod partikular na sa mga kalyeng patungong airport.

Bahagi ng awareness campaign ng mga organizers ay ang motorcade sa Biyernes ng mga SEA Games sports ambassadors sa pamumuno ni dating Asia’s Sprint Queen Lydia de Vega-Mercado at swimming champion Eric Buhain bukod pa sa mga tours sa malls at eskuwelahan. Mayroon ding radio at television guesting.

BAHAGI

BIYERNES

BOY SANTIAGO

COJUANGCO JR.

ERIC BUHAIN

MALALAKING

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PHILIPPINE SOUTHEAST ASIAN GAMES

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SPRINT QUEEN LYDIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with