^

PSN Palaro

Thailand tutulong para tanggalin ng FIBA ang suspensiyon sa RP

-
Halos sigurado na ang basketball gold sa Southeast Asian Games kung wala ang RP men’s team para sa Thailand, ayon kay Maj. Gen Charouck Arira-chakaran, vice president at secretary general ng National Olympic Committee ng Thiland.

Gayunpaman, lima sa 11-member countries ay nag-iisip na iapela ang suspension International Basketball Federation (FIBA) sa bansa.

"My heart is always for the Filipinos. I have many old friends here and I promised to back them up on their appeal to lift the suspension. Basketball event would be less-exciting without the Philippine team," ani Arirachakaran.

Bukod sa Thailand, sinabi ni Arirachakaran, ang pinakamataas na opisyal ng SEAG countries na dumalaw sa bansa bago ang Nov. 27-Dec. 5 Games na nagpahayag din ng intensiyong tuluyan ang bansa ang mga perennial basketball contenders na Indonesia, Malaysia, Vietnam at Singapore.

"You have the best players in the region, there’s no doubt about it. But leadership dispute has affected the basketball system here. There’s still hope, and Thailand is ready to help so the Filipinos could play in the SEA Games," wika pa ni Arirachakaran, presidente rin ng Thailand sepak takraw association.

Maliban sa 1989 edition ng biennial meet sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang Philippines ang nakakuha ng men’s basketball gold mula nang isama ito sa SEA Games noong 1977.

Nananatiling suspendido ang Philippines sa lahat ng FIBA-sanctioned tournaments including the SEA Games hangga’t hindi ireresolba ng Philippine Olympic Committee (POC), Basketball Association of the Philippines (BAP) at ng Philippine Basketball Federation (PBF) ang problema kay Patrick Baumann, ang secretary-general ng FIBA.

Nagtungo si POC president and Philippine SEA Games Organizing Committee (PHILSOC) president at chief executive officer Jose ‘Peping’ Cojuangco Jr. sa Geneva, Switzerland kahapon upang personal na magpaliwanag kung bakit sinuspindi ang BAP ng POC na kumikilala sa PBF bilang bagong basketball association ng bansa.

ARIRACHAKARAN

BASKETBALL

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

COJUANGCO JR.

GAMES ORGANIZING COMMITTEE

GEN CHAROUCK ARIRA

INTERNATIONAL BASKETBALL FEDERATION

KUALA LUMPUR

NATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

PATRICK BAUMANN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with