Magandang laban ang FEU vs DLSU
September 27, 2005 | 12:00am
FEU-La Salle pa rin ang magkikita sa UAAP finals ng mens basketball. Kunsabagay, kahit noong umpisa pa naman talagang sila na ang hinuhulaanng marami na papasok sa finals.
Magandang titular showdown ito para sa dalawang paaralan na ilang beses na ring nagkita sa kampeonato.
Match na match ika nga ang championship showdown na ito.
Last year na rin ito ni Arwind Santos sa FEU, kaya isang magan-dang pamamaalam ito kay Arwind sakaling mag-tsampion ang FEU Tamaraws.
At para sa La Salle, magandang mensahe din ito kay coach Franz Pumaren dahil may mapapatunayan siya sa mga taga-La Salle na nagbalik sa kanya sa coaching job na ito makaraang magresign dahil sa ilang isyu.
O well, kung sino man ang magkakampeon sa dalawang team ay masasabing deserving. So good luck na lang sa both teams.
Congrats naman kay coach Louie Alas at sa Letran na nagkam-peon naman sa NCAA. Isa pa ring klasikong finals ang naganap sa pagitan ng Knights ni Alas at PCU Dolphins ni coach Junel Baculi. Kapwa humantong sa do-or-die game ang titular showdown ng dalawa makaraang magtabla sa 1-1 ang kanilang best-of-three finals showdown.
Tulad sa UAAP, magandang finals din ito at siyempre talagang isa lang ang dapat mag-champion at ito nga ay ang Letran Knights.
Naagaw nila ang koronang kinuha ng Dolphins noong nakaraang edisyon.
Congrats coach Louie and Letran Knights.
During my stay sa hospital, sa Calamba Medical Center, doon lang ako nagkaroon ng chance na makapanood ng TV at kahit papaano ay natuwa akot dito ay nakakakita ako ng mga patalastas tungkol sa nalalapit na 23rd Southeast Asian Games. In fact tungkol sa pakikipaglaban ng ating Pambansang atleta sa biennial games. Pero kulang pa rin ang awareness kaya sana naman kumilos na ng husto ang PHILSOC para dito.
Mabuti pa nga yata ang ASEAN Para Games dahil parang mas alam ng mga tao ito. Nagkalat na ang awareness nito sa buong Kamaynilaan. Masikap at masigasig talaga ang organizers nito sa pakikipagtambalan kay Ali Atienza, ng Manila Sports Council na sa pagpapabatid sa publiko ng naturang palaro.
Ang ganda-ganda ng theme song ng Asean Para Games na kinanta ni Lea Salonga. Broadway ang dating ng kanta na pinama-gatang The Power of Dreams.
By the way gusto ko lang pasalamatan si Dr. Harold Tanchanco, ang aking doctor sa CMC na nagpapa-check lang ako ay inabot na ako ng confinement dahil sa ospital na ako inatake ng vertigo. Thank you din sa mga friends ko na nagpadala ng text message dahil hindi naman nila ako madalaw at nasa probinsiya ang ospital, tulad nina Jocelyn Rodillo, Amarie Zaldivar, Mayeth Delgado, Franny Omampo, Serge Alombro ng San Miguel (yan hindi ko tuloy napanood ang laban ng SMC All-Star at Phil. Star dahil nga naka-confine ako), kay Rhea Navarro, kay Jojo Cruz na siyang nurse ko kapag inaatake ako sa office, kay Beth Repizo, kay Sarie Francisco, Ana Federigan at sa iba pang friends and relatives na hindi kayang banggitin sa haba. Sa mga dumalaw na sina Tita Auring at Arnel at Angel, Junep, Cel at Ocampo kids. Thank you sa inyong lahat.
Pahabol: Salamat din sa Jose Rizal University registrar at nakuha na rin sa wakas yung requirements na hinihingi ng pamangkin ko, pwede naman palang madaling makuha eh, sayang nga lang yung one sem na hindi naipasok pero, anyway tapos na yun kaya thank you sa mga nag-asikasong mapadali ito. God bless!
Magandang titular showdown ito para sa dalawang paaralan na ilang beses na ring nagkita sa kampeonato.
Match na match ika nga ang championship showdown na ito.
Last year na rin ito ni Arwind Santos sa FEU, kaya isang magan-dang pamamaalam ito kay Arwind sakaling mag-tsampion ang FEU Tamaraws.
At para sa La Salle, magandang mensahe din ito kay coach Franz Pumaren dahil may mapapatunayan siya sa mga taga-La Salle na nagbalik sa kanya sa coaching job na ito makaraang magresign dahil sa ilang isyu.
O well, kung sino man ang magkakampeon sa dalawang team ay masasabing deserving. So good luck na lang sa both teams.
Tulad sa UAAP, magandang finals din ito at siyempre talagang isa lang ang dapat mag-champion at ito nga ay ang Letran Knights.
Naagaw nila ang koronang kinuha ng Dolphins noong nakaraang edisyon.
Congrats coach Louie and Letran Knights.
Mabuti pa nga yata ang ASEAN Para Games dahil parang mas alam ng mga tao ito. Nagkalat na ang awareness nito sa buong Kamaynilaan. Masikap at masigasig talaga ang organizers nito sa pakikipagtambalan kay Ali Atienza, ng Manila Sports Council na sa pagpapabatid sa publiko ng naturang palaro.
Ang ganda-ganda ng theme song ng Asean Para Games na kinanta ni Lea Salonga. Broadway ang dating ng kanta na pinama-gatang The Power of Dreams.
Pahabol: Salamat din sa Jose Rizal University registrar at nakuha na rin sa wakas yung requirements na hinihingi ng pamangkin ko, pwede naman palang madaling makuha eh, sayang nga lang yung one sem na hindi naipasok pero, anyway tapos na yun kaya thank you sa mga nag-asikasong mapadali ito. God bless!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended