UP, UST kampeon sa UAAP chess

Nakopo ng University of the Philippines ang men’s crown at naisubi naman ng University of Santo Tomas ang women’s title sa UAAP Season 68 chess tournament na nagtapos noong Linggo sa University of the East Briefing Room.

Tinapos ng Maroons ang kanilang kampanya sa 14th-round sa pamamagitan ng 3-1 panalo laban sa Ateneo para sa kabuuang 39.0 points, upang agawin ang titulo sa De La Salle na nilamangan nila ng 1.5 puntos.

Tanging konsuwelo ng Green Archers ay ang pagkopo ni ace John Paul Gomez ng gold medal sa board one at men’s Most Valuable Player award.

Third place ang UST na may 37.0 points na nakabawi sa kanilang panalo sa women’s side na kumulekta ng 33.0 points para agawin ang korona sa UP na nagtapos lamang bilang third place sa kanilang 30.5 puntos sa likod ng De La Salle (30.5).

Ang konsolasyon ng UP ay ang gold medal sa board one ni Catherine Perena na siya ring nakakuha ng MVP title.

Ang iba pang board gold medalists sa women’s section ay sina Rulp Ylem Jose ng FEU sa board two at Cherrlyn Guiang sa board three, Jennifer Advincula ng La Salle sa board four.

Show comments