^

PSN Palaro

Elma desididong sumali sa SEA Games

-
Hindi pa nawawala sa puso ni Elma MurosPosadas ang Southeast Asian Games.

Sasali sa nalalapit na national tryouts ng athletics ang 38gulang na veteran trackster na si Elma sa kanyang hangaring magpartisipa sa 23rd edition ng biennial meet na iho-host ng bansa sa Nov. 27-Dec. 5.

Ang Oct. 9 trials ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) ay prequalifying SEA Games event.

Nakatakdang sumali si Muros-Posadas, mayari ng 15 SEA Games gold medals mula 1983 hanggang 2001 bilang undisputed long jump at heptathlon queen ng rehiyon, sa relay events.

"Hindi ako tumigil sa training at malakas pa ang tuhod ko kaya determinado akong maglaro uli sa SEA Games," ani MurosPosadas, isa sa 12 sports ambassadors na napili, sa kanyang appearance sa DZMM radio program Sports Talk, na hosted ni dating senator Freddie Webb.

"Kaya ko pa ring tumakbo ng 1:04 minuto sa 400-meter hurdles, na puwede nang top four sa SEA Games. Malaking advantage na ito sa relay events," dagdag ni Muros-Posadas nakakuha ng bronze medal sa 1990 Beijing at 1994 Hiroshima Asian Games.

Sinabi ni Muros na nasa kondisyon ito at wala siyang injury sa ngayon ngunit bukod sa kanyang pagnanais na makasama sa national athletics team, handa itong sumuporta sa mga Filipino athletes kasama ang kanyang asawa at personal coach na si Jojo Posadas sa kanilang kampanyang makopo ang overall title.

ANG OCT

ELMA

FREDDIE WEBB

HIROSHIMA ASIAN GAMES

JOJO POSADAS

MUROS

MUROS-POSADAS

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SPORTS TALK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with