Isang pulong ang itinakda ng Wushu Federation of the Philippines (WFP) sa susunod na linggo upang desisyunan ang kapalaran ni Lucero.
Sa idinaos na National Open ng WFP noong Setyembre 11, sumikwat lamang ang tambalan nina Lucero at Anne Tongco ng silver medal sa diquian event, habang inangkin naman nina Vicky Ting at Aida Young ang gold medal.
"Kung silver lang sila Bea at Anne, siguro mas gusto na nating sila Vicky at Aida na ang magrerepresent sa atin in that event para sure gold medal na tayo sa 2005 Southeast Asian Games," sabi ng isang opisyal ng WFP.
Hihintayin rin ng wushu federation ang pagdating ni secretarygeneral Edwin Pimentel mula sa China para sa kanilang pulong.
Target ni Lucero na maging kaunaunahang atletang Pinoy na nakakuha ng gold medal mula sa tatlong magkakaibang sports matapos kumubra ng ginto sa gymnastics at sa taekwondo event sa dalawang magkaibang edisyon ng SEA Games.
Hangad ng WFP na malagpasan ang naiuwing anim na gintong medalya ng mga wushu artists sa nakaraang SEAG sa Vietnam noong 2003.
Sa nasabing anim na ginto, tigalawa rito ay nanggaling kina Willy Wang at Arvin Ting, habang nagambag naman ng tigisa sina Dolly Andres at Edward Folayang. (Russell Cadayona)