Ito ang napag-alaman ni Cojuangco matapos na makipag-usap sa mga bisitang Thai correspondents kabilang ang mula sa Thailand broadcast giant ITV at Channel 11.
"My only concern is for the Philippines to win the overall championship. Winning 150 gold medals will be enough to achieve that goal," ani Cojuangco, sa kanyang statement na nakakuha rin ng mainit na aprobal mula sa Thai counterpart na si Chaiyadak Siriwat.
Si Siriwat ang siyang pinakamataas na foreign sports official na bumisita sa bansa hinggil sa nalalapit na No. 27-Dec. 5 Games na nagsabi ring na malakas ang tsansa ng Pilipinas na maibulsa ang overall title ngayong taon.
"We will be sending our best athletes here, but my concern is our team sports. Its really hard for our athletes who are training for the SEA Games, and at the same time, looking forward to a decent showing in the Asian Indoor Games," ani Siriwat, patungkol sa indoor meet sa Thailand na kanilang iho-host ilang araw matapos ang SEA Games.
Tinukoy ng Thai official ang pagpapadala nila ng kanilang mahuhusay na atleta sa abroad para sa kanilang training sa nakalipas na anim na buwan bilang preparasyon ng kanilang bansa sa Asian Indoor at SEA Games.
At ang pagwawagi ng overall crown sa biennial meet ay pangalawa lamang sa Thailand jung saan inamin rin niya na ang hindi lalahok ang mga Thai pro players ay hindi sasama sa delegasyon at sa halip ay lalaro ito sa Asian Indoor meet, gayunpaman, sinabi rin ni Siriwat na pipilitin ng Thais na makapag-uwi ng runner-up honor.