SMB, TNT, Alaska at Ginebra dapat bantayan

Ang defending cham-pion San Miguel Beer, Talk ‘N Text, Alaska at Barangay Ginebra ang mga pabori-tong team sa season-open-ing PBA Fiesta Cup. Ito ay ayon sa siyam na coaches na panauhin kahapon sa PSA Forum sa main function room ng Pantalan Restau-rant sa Manila na sponsored ng Red Bull, Circure, Super-max, PAGCOR at Manila Mayor Lito Atienza.

"Kapag nakita mo ‘yung lineup nung apat, nakaka-takot," ani Sta. Lucia mentor Alfrancis Chua. Sinang-ayunan ito ni Barako coach Yeng Guiao. "I agree with the rest. Add my vote to them."

Naroroon din ang iba pang coaches na sina Joel Banal (Talk ‘N Text), Jong Uichico (San Miguel), Tim Cone (Alaska), Siot Tan-quingcen (Brgy. Ginebra), Ryan Gregorio (Purefoods Chunkee), Bo Perasol (Air21) at Binky Favis (Coca-Cola). Dahil sa mga malala-king trades na nakuha ng Talk ‘N Text at Alaska, napili silang mga team-to-beat tulad ng San Miguel at Ginebra na intact naman ang kani-kanilang line-up.

Gayunpaman, naka-salalay ang tagumpay ng isang koponan sa kanilang mga imports sa kumperen-siyang ito kung saan gagamit ang mga teams ng mga reinforcement na di lalagpas sa height na 6’6.

"Gusto nga sana namin All-Filipino agad," wika ni coach Joel Banal ng Phone Pals na nakakuha kay top rookie picks Anthony Wa-shington at Mac Cardona na nakuha nila mula sa Express. "But this is an import-flavored tournament, so everything would depend on them (import)."

Ibabalik ng Talk ‘N Text ang maaasahang si Damien Cantrell, na naglaro sa kanila, dalawang taon na ang naka-karaan. Magbabalik-PBA din si Tee McClary ang tumulong sa Coca-Cola sa kanilang tagumpay noong 2003 Reinforced Conference title, para tulungan naman nga-yon ang Alaska

Kinuha ng San Miguel ang bagitong si Rico Hill, 6-foot-6 forward mula sa Illinois State.

Isa ring bagito ang rein-forcement ng Purefoods sa katauhan ni Marquin Chand-ler na katatapos lamang ng kolehiyo.

Ang Sta. Lucia na la-mang ang wala pang import, dalawang lingo na lamang bago magbukas ang 2005-2006 season ng PBA sa October 2 sa Araneta Coli-seum matapos pauwiin si Lenny Cooke, ang dating Purefoods import dahil hindi pa ito lubusang nakakare-kober sa kanyang injury dulot ng isang car accident sa U.S.

Show comments