SMB, TNT, Alaska at Ginebra dapat bantayan
September 21, 2005 | 12:00am
Ang defending cham-pion San Miguel Beer, Talk N Text, Alaska at Barangay Ginebra ang mga pabori-tong team sa season-open-ing PBA Fiesta Cup. Ito ay ayon sa siyam na coaches na panauhin kahapon sa PSA Forum sa main function room ng Pantalan Restau-rant sa Manila na sponsored ng Red Bull, Circure, Super-max, PAGCOR at Manila Mayor Lito Atienza.
"Kapag nakita mo yung lineup nung apat, nakaka-takot," ani Sta. Lucia mentor Alfrancis Chua. Sinang-ayunan ito ni Barako coach Yeng Guiao. "I agree with the rest. Add my vote to them."
Naroroon din ang iba pang coaches na sina Joel Banal (Talk N Text), Jong Uichico (San Miguel), Tim Cone (Alaska), Siot Tan-quingcen (Brgy. Ginebra), Ryan Gregorio (Purefoods Chunkee), Bo Perasol (Air21) at Binky Favis (Coca-Cola). Dahil sa mga malala-king trades na nakuha ng Talk N Text at Alaska, napili silang mga team-to-beat tulad ng San Miguel at Ginebra na intact naman ang kani-kanilang line-up.
Gayunpaman, naka-salalay ang tagumpay ng isang koponan sa kanilang mga imports sa kumperen-siyang ito kung saan gagamit ang mga teams ng mga reinforcement na di lalagpas sa height na 66.
"Gusto nga sana namin All-Filipino agad," wika ni coach Joel Banal ng Phone Pals na nakakuha kay top rookie picks Anthony Wa-shington at Mac Cardona na nakuha nila mula sa Express. "But this is an import-flavored tournament, so everything would depend on them (import)."
Ibabalik ng Talk N Text ang maaasahang si Damien Cantrell, na naglaro sa kanila, dalawang taon na ang naka-karaan. Magbabalik-PBA din si Tee McClary ang tumulong sa Coca-Cola sa kanilang tagumpay noong 2003 Reinforced Conference title, para tulungan naman nga-yon ang Alaska
Kinuha ng San Miguel ang bagitong si Rico Hill, 6-foot-6 forward mula sa Illinois State.
Isa ring bagito ang rein-forcement ng Purefoods sa katauhan ni Marquin Chand-ler na katatapos lamang ng kolehiyo.
Ang Sta. Lucia na la-mang ang wala pang import, dalawang lingo na lamang bago magbukas ang 2005-2006 season ng PBA sa October 2 sa Araneta Coli-seum matapos pauwiin si Lenny Cooke, ang dating Purefoods import dahil hindi pa ito lubusang nakakare-kober sa kanyang injury dulot ng isang car accident sa U.S.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended