Back-to-back title asam ng PCU

Hindi na sasayangin pa ng defending cham-pion Philippine Christian University ang pagkaka-taong maisubi ang kani-lang back-to-back title sa NCAA seniors basketball tournament ngayon.

Muli nilang sasagu-pain ang host Colegio de San Juan de Letran para sa Game-Two ng kani-lang best-of-three titular showdown ngayong alas-4:00 ng hapon sa Araneta Coliseum para sa title clinching win.

Nakalapit ang PCU Dolphins matapos itakas ang 79-74 panalo sa Game-One noong Lunes sa Big Dome din.

"We’ll definitely go for the championship. I know it’s going to be hard because Letran is a very tough team, but we’ll try to end the series," ani PCU coach Junel Baculi.

Umaasa si Baculi na muli niyang masasan-dalan nito si Jason Castro na naging susi sa kani-lang panalo sa opening game ng serye sakaling hindi makapagdeliver ang kanyang mga key player na sina 2004 ROY-MVP Gabby Espinas at Rob Sanz.

Maagang na-foul-trouble si Espinas kung kailan dikdikan ang laba-nan ngunit umangat si Castro na umiskor ng 12 sa kanyang 21 puntos sa ikaapat na quarter kung saan gumamit ang Philip-pine Christian ng 11-0 run tungo sa kanilang tagum-pay.

"I give credit to my players, they did not give up. That kind of heart they displayed is indeed the heart of a true champion," sabi ni Baculi na nais madagdagan ng NCAA title ang kanyang kolek-siyon ng kampeonato mula sa PBL kung saan iginiya nito sa Korona ang Dazz Dishwashing Paste, Hapee Toothpaste at Welcoat Paints.

"Ayaw na mag-shoot at naging passive kami. Doon kami nagkamali. We lost aggressiveness," sabi naman ni coach Louie Alas ng Letran na nais dalhin ang serye sa winner-take-all Game Three na gaganapin sa Biyernes kung meron. First order of the day for us is to beat PCU."

Sa unang laro, sisikapin din ng top seed San Sebastian College staglets na wakasan ang kanilang 19- taong pagka-uhaw sa juniors title sa hangad na title clinching win laban sa defending champion San Beda Red Cubs sa Game-Two ng kanilang sariling best-of-three serye sa alas-2:00 ng hapon. (CVO)

Show comments