"Fight for Love" fund-raising pa-boksing para kay Espinosa
September 20, 2005 | 12:00am
" Fight for Love," isang boxing card na layuning makalikom ng pondo para sa dating world champion na si Luisito Espinosa ang handanghanda ng idaos sa Manila sa Oct. 22 kung saan dalawang Philippine championship fights ang main events.
Isa sa susuporta sa nasabing event si Manila Mayor Lito Atienza na nagsabing hindi niya tatanggalan ng tax ang naturang boxing card mula sa amusement taxes sa dahilang ang kikitain sa mga tiket ay mapupunta kay Espinosa upang may maipansuporta siya sa kanyang pakikipaglaban sa korte kontra sa boxing promoter na nabigong bayaran siya ng premyo noong 1997 championship bout na nagkakahalaga ng $150,000.
Sinabi rin ni Atienza na libre niyang ipagagamit ang fullyairconditioned San Andres Gym sa San Andres, manila.
Tampok rin sa nasabing card ang championship bouts sa pagitan nina lightweight champion Fernando Montilla ng Manila at challenger Dexter Delada ng Cebu City at ang Philippine junior bantamweight champion na si Eric Barcelona ng Valencia, Bukidnon at No. 1 contender Bernarbe Concepcion ng Rizal Province.
Magpapakitang gilas rin ang mga fighters mula sa Mindanao at Visayas na sina Glen Porras, No, 7 jr. bantamweight, Tommy Terado No. 10 miniflyweight at No. 11 junior flyweight Dennis Juntillano na sasabak sa eight round bouts kasama ang kapwa nila Braveheart Boxing Club members na sina Ervin Dapudong at Rex Penalosa. Ang mga nabanggit ay sasabak sa Manila sa kauna-unahang pagkakataon.
Patuloy ang pakikipaglaban ni Espinosa para makolekta ang kanyang premyo noong 1997 pagdedepensa sa kanyang world featherweight title laban sa Argentinian na si Carlos Rios sa Koronadal, South Cotabato na nagkakahalaga ng P7 milyon.
Naghain siya ng demanda laban sa promoter na si Rod Nazario sa Manila court.
Ito ay suportado ni North Cotabato Governor Manny Piñol kasama sina dating manager ni Espinosa na si Hermie Rivera, journalist Recah Trinidad at Immigration Commissioner Al Fernandez.
Ang naturang laban sa Oct. 22 ay live na mapapanood.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended