PALABAN ANG REALTORS!

Kumpletong-kumpleto na ang line-up ng Sta. Lucia Realty. Katunayan, sobra-sobra pa nga ang kanilang mga manlalaro at kung magsusumite sila ng 12-man line-up apat ang malalagay sa reserve o magiging practice players.

Tatlong bagong players ang idinagdag ni coach Alfrancis Chua sa kanyang line-up. Ito’y ang mga rookies na sina Alex Cabagnot at Cesar Catli at si Adonis Sta. Maria na nagbuhat sa nag-disband na Shell Velocity.

Si Sta. Maria ay nalaglag sa dispersal draft matapos na hindi mai-trade ng Turbo Chargers bago sila tuluyang namaalam sa liga. Walang ibang koponan ang naghangad na kunin ang dating La Salle Green Archer na ito.

Pero alam naman ni Sta. Maria na puwede pa siyang pakinabangan kung kaya’t nagbaka-sakali siyang makipag-tryout sa ibang teams, kabilang na ang Sta. Lucia. Na-impress naman sa kanya si Chua at kinuha siya.

"Masipag naman si Sta. Ma-ria. Role player siya," ani Chua. "Bukod dun, dalawa na ang Ado-nis sa team namin ngayon. Bihira yun ha!"

Ito’y patungkol sa pangyaya-ring si Adonis Tierra ang isa sa mga assistant coaches ni Chua. Na-elevate na rin bilang assistant coach ang point guard na si Boyet Fernandez.

Si Cabagnot ay bumalik na-man sa bansa noong Martes, nag-apologize at pinirmahan ang tatlong taong kontratang inialok sa kanya ng Realtors noon. Naliwa-nagan na raw siya at tinanggap na niya ang offer.

Kaya naman masaya din si Chua dahil sa isang legit point guard talaga ang kailangan ng Sta. Lucia. Bagamat si Cabagnot ay lumaki sa Hawaii, legit Filipino naman siya. Dito siya ipinanga-nak. Kaya naman, na-maintain pa rin ng Sta. Lucia ang pagiging 99.9 percent Filipino team. Wala silang Fil-foreign players.

Nasaksihan ng ilan kung gaano kahusay si Cabagnot sa pre-season game ng Sta. Lucia kontra sa Red Bull Barako noong Biyernes sa New Era College Gym. Sample pa lang daw iyon at mas marami pa siyang pwedeng gawin kapag nagsimula na ang season.

Si Catli, isang produkto ng Far Eastern University, ay pumirma din ng kontrata sa Realtors. Siya ay kinuha ng Sta. Lucia sa second round.

Ani Chua, sa kanyang pana-naw ay mas mahusay si Catli kay-sa kay Leo Najorda na kaposisyon niya. Kung ang No. 9 pick daw ang hawak ng Realtors, si Catli pa rin ang kukunin nila at hindi si Najorda na siyang pinili ng Red Bull.

Puwes, laban sa Red Bull, si Catli ay gumawa ng 16 puntos kabilang na ang tatlong three-point shots. So mukhang may punto nga si Chua sa kanyang desisyong kunin at papirmahin si Catli.

Anumang sandali ay darating na sa bansa ang import ng Real-tors na si Lenny Cooke na kabisa-do na rin ang PBA dahil nakapag-laro ito ng dalawang conferences sa Purefoods. Kaya naman hindi na ito mangangapa sa kampo ng Realtors.

So, tila maganda ang kinabu-kasang naghihintay sa Sta. Lucia sa 2005-06 season ng PBA. Pala-ban na sila at nangangarap na magwagi ng ikalawang kampeo-nato sa 13 taong pagiging miyem-bro ng pro league.
* * *
Happy Birthday kay dating Blu Detergent team manager Silliman Sy na magdiriwang sa Setyembre 20. Belated birthday greetings kay darter Allan Buena-cosa na nagdiwang noong Set-yembre 16.

Show comments