Sa replay ng kontro-bersiyal na September 1 game ng mag-utol na coaches na sina Franz at Dindo Pumaren, nagta-gumpay ang defending champion Archers, 79-67 sa Araneta Coliseum ka-hapon na siyang pormal na tumapos ng dalawang round ng eliminations.
Ang panalo ng La Salle ay nagbunga ng three-way-tie sa 10-4 re-cord kung saan kasama nila ang biktimang UE Red Warriors at ang Ateneo de Manila University sa likod ng Far Eastern University na tumapos ng eliminations sa 12-2 win-loss slate bi-lang No. 1 team na siyang nabiyayaan ng unang twice-to-beat advantage.
Dahil sa ang La Salle ang may pinakamataas na qoutient sa tatlo, sila ang umokupa ng No. 2 slot at kumubra ng huling twice-to-beat ticket.
Ang East at ADMU Blue Eagles ay muling magsa-sagupa para sa No. 3 posi-tion upang mabatid kung sino ang maghaharap sa Final Four kung saan ang pairing ay No. 1 versus No. 4 at No. 2 kontra sa No. 3.
Nakuha naman ng Ate-neo Lady Eagles ang No. 3 seeding sa semifinals ng womens division makaraang gapiin ang FEU Lady Tams sa unang laro, 55-50.
Makakalaban ng Lady Eagles sa Final Four ang UP Lady Maroons na may twice-to-beat advantage tulad ng defending champion Adam-son Lady Falcons na siyang haharapin ng Lady Tams na bumagsak sa No. 4.