^

PSN Palaro

Nadale ng La Salle

- Ni Carmela V. Ochoa -
Tapos na ang kontro-bersiya. La Salle ang pa-nalo at sila ang umangkin ng natitirang twice-to-beat ticket patungo sa Final Four ng UAAP men’s bas-ketball tournament.

Sa replay ng kontro-bersiyal na September 1 game ng mag-utol na coaches na sina Franz at Dindo Pumaren, nagta-gumpay ang defending champion Archers, 79-67 sa Araneta Coliseum ka-hapon na siyang pormal na tumapos ng dalawang round ng eliminations.

Ang panalo ng La Salle ay nagbunga ng three-way-tie sa 10-4 re-cord kung saan kasama nila ang biktimang UE Red Warriors at ang Ateneo de Manila University sa likod ng Far Eastern University na tumapos ng eliminations sa 12-2 win-loss slate bi-lang No. 1 team na siyang nabiyayaan ng unang twice-to-beat advantage.

Dahil sa ang La Salle ang may pinakamataas na qoutient sa tatlo, sila ang umokupa ng No. 2 slot at kumubra ng huling twice-to-beat ticket.

Ang East at ADMU Blue Eagles ay muling magsa-sagupa para sa No. 3 posi-tion upang mabatid kung sino ang maghaharap sa Final Four kung saan ang pairing ay No. 1 versus No. 4 at No. 2 kontra sa No. 3.

Nakuha naman ng Ate-neo Lady Eagles ang No. 3 seeding sa semifinals ng women’s division makaraang gapiin ang FEU Lady Tams sa unang laro, 55-50.

Makakalaban ng Lady Eagles sa Final Four ang UP Lady Maroons na may twice-to-beat advantage tulad ng defending champion Adam-son Lady Falcons na siyang haharapin ng Lady Tams na bumagsak sa No. 4.

vuukle comment

ANG EAST

ARANETA COLISEUM

BLUE EAGLES

DINDO PUMAREN

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

LA SALLE

LADY EAGLES

LADY FALCONS

LADY TAMS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with