Nakasama ang 19-anyos na si Figueroa at 18 pang archers sa national team matapos makapasa sa three-day qualifying tournament noong Sept. 9-11 sa Subic Bay Freeport, kung saan gaganapin ang naturang sport sa Nov. 27-Dec. 5 biennial meet.
Pamumunuan ni Figue-roa, sumilat kay dating world champion Natalie Valeeva ng Italy sa Athens Games noong nakaraang taon, ang womens recurve kasama si Rachel Cabral habang ang mens team ay binubuo nina Florante Matan, Mark Javier, Marvin Cordero, Christian Covilla, Zander Lee Reyes at Erickson Gonzales.
Ang womens team sa compound event ay kinabi-bilangan nina Amaya Paz, Jennifer Chan, Abby Tindu-lan at veteran Joanne Taba-nag at ang mens side ay sina Carlos Carag, Raul Arambulo, Gil Gabriel, Adam Jimenez, Earl Yap at Fermin Baranache.
"Were still evaluating two other athletes (wo-mens) kung isasama sila para meron tayong entry sa team event sa recurve. Kung wala, dalawa lang ang isasali natin sa indivi-dual event," ani Ligaya Ma-nalang, secretary-general ng National Archery Asso-ciation of the Philippines (NAAP).