Pinigil naman ng defending champion Adamson U ang Santo Tomas U, 78-66 at ito ang naghatid sa Tigresses sa No. 1 spot taglay ang 10-2 win-loss slate sa two-round eliminations.
Nakaseguro na rin sa No. 2 slot papasok sa Final Four ang Lady Maroons na may 9-3 kartada.
Kapwa tumapos ang Ateneo at FEU na tabla sa 7-5 records. Ito ay rere-solbahin bukas ng alas-2 ng hapon sa kanilang muling paghaharap bago ang replay ng mens game sa pagitan ng University of the East at De La Salle sa Araneta Coliseum.
Ang koponan na makakatapak sa No. 3 slot ang siyang haharap sa Adamson sa semifinals, habang ang mata-talo ang sasagupa naman sa UP. Hawak ng Adamson at UP ang twice-to-beat advantage.
Nakansela naman ang volleyball game ng malakas na ulan noong Huwebes matapos na bumaha sa floor ng UP gym sa Diliman. Tanging dalawang laban lamang ang nairaos kung saan nanalo ang FEU sa De La Salle, 25-22, 25-16, 23-25, 25-19 at namayani ang UST sa Ateneo, 25-12, 25-6, 25-12.