^

PSN Palaro

Lady Eagles vs Lady Tams sa playoff

-
Ginapi ng De La Salle U ang Ateneo U sa over-time, 59-57 at diniskaril naman ng University of the Philippines ang Far Eastern U, 53-51 sa larong ito na nagdala sa Lady Eagles at Lady Tama-raws sa playoff para sa ikatlong spot sa UAAP Season 68 women’s basketball tournament noong Huwebes sa Adamson gym.

Pinigil naman ng defending champion Adamson U ang Santo Tomas U, 78-66 at ito ang naghatid sa Tigresses sa No. 1 spot taglay ang 10-2 win-loss slate sa two-round eliminations.

Nakaseguro na rin sa No. 2 slot papasok sa Final Four ang Lady Maroons na may 9-3 kartada.

Kapwa tumapos ang Ateneo at FEU na tabla sa 7-5 records. Ito ay rere-solbahin bukas ng alas-2 ng hapon sa kanilang muling paghaharap bago ang replay ng men’s game sa pagitan ng University of the East at De La Salle sa Araneta Coliseum.

Ang koponan na makakatapak sa No. 3 slot ang siyang haharap sa Adamson sa semifinals, habang ang mata-talo ang sasagupa naman sa UP. Hawak ng Adamson at UP ang twice-to-beat advantage.

Nakansela naman ang volleyball game ng malakas na ulan noong Huwebes matapos na bumaha sa floor ng UP gym sa Diliman. Tanging dalawang laban lamang ang nairaos kung saan nanalo ang FEU sa De La Salle, 25-22, 25-16, 23-25, 25-19 at namayani ang UST sa Ateneo, 25-12, 25-6, 25-12.

ADAMSON

ADAMSON U

ARANETA COLISEUM

ATENEO

ATENEO U

DE LA SALLE

DE LA SALLE U

FAR EASTERN U

FINAL FOUR

HUWEBES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with