Ayon kay Montemayor, simula pa noong 2002 Asian Games na ginanap sa Busan South Korea ay nagsu-supply na ang PBGEA ng saging sa mga atleta na kanilang ipagpapatuloy sa pagsabak ng mga pambansang atleta sa nala-lapit na 23rd Southeast Asian Games, ngayong Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.
Ang PBGEA sa pamumuno ni chairman Rodolfo Del Rosario, ay nagbibigay ng 80 kahon ng mga export quality na saging kada linggo sa mga atleta sa Rizal Memorial Sports Complex at sa Ultra sa Pasig na nagmumula pa sa Davao.
Sa loob ng halos tatlong taong pagbibigay ng saging ng PBGEA sa mga atleta, tinatayang aabot na sa P1.5 milyon ang kanilang ibinibigay na suporta.
"Talagang nutritiuos ang saging kasi potassium ang ibinibigay nito sa ating athletes na kailangan nila for their respective events," sabi ni Montemayor. (Carmela Ochoa)