^

PSN Palaro

PBA, pinaghahandaan na

GAME NA! - Bill Velasco -
Malapit na ang simula ng bagong season ng PBA, at ilan sa mga koponan ang nangangapa pa dahil wala pa silang import o hindi pa nagkakaisa ang mga player.

Naglaban ng All-Filipino kahapon ang Purefoods Chunkee Giants at Coca-Cola Tigers sa adidas Sports Kamp sa Fort Bonifacio, at nagwagi ang Purefoods sa kanilang "home court." Kitang-kita ang matinding teamwork ng Chunkee Giants, na lumamang sa simula at di na nadikitan ng Tigers.

"Noong pumasok si Coach Eric (Altamirano), hindi rin siya nabigyan ng oras para mabuo yung sistema niya," paliwanag ni Johnny Abarrientos ng Coca-Cola.

"Ngayon naman, nangangapa kami dahil pumasok si Coach Binky (Favis) at marami ngang bago. Start from scratch na naman kami."

Dumating naman ang import ng Air 21 Express na si Shawn Daniels, na nagmamadaling magpakundisyon. Dala siya rito ni Sam Unera, kilalang player-agent sa Amerika at may-ari ng Pennsylvania Valley Dawgs 2004 champion ng United States Basketball League.

"Siya kasi ang tumalo sa amin sa finals," patawang paliwanag ni Unera. "Kaya kinuha ko siya. Parang si Magic Johnson maglaro, pero lagitimate big man. Magaling pumasa, at kaya niya ang laki ng katawan niya."

"Our goal is to make the finals," sabi ni Express head coach Bo Perasol. "The difference between me and the past coaches is that there will be no hesitation on my part. We have a system, and I intend to implement it. And we have the advantage in terms of conditioning."

Dadami ang mga practice games ng mga koponan, lalo na't maku-kumpleto na ang mga import sa lalong madaling panahon.

Samantala, patuloy pa rin ang ensayo ng Philippine team bawat Lunes sa Moro Lorenzo Sports Center sa loob ng Ateneo de Manila. Natuwa ang mga player nang sabihin ng PBA na ipapanatlili ng liga ang pagsuporta ng pambansang koponan bagamat magulo ang basketbol sa ating bansa.

"Siyempre, masaya kami," ani RenRen Ritualo nang makapa-nayam ng PSN kahapon. "Para hindi naman masayang ang lahat ng sakripisyo namin. Ang laki ng naitulong ng paglalaro ko rito sa confi-dence ko. Basta makasama ka sa mga superstar ng PBA, mag-iiba talaga ang laro mo."

Nag-eensayo naman tuwing umaga ang binubuong koponan ni Boyzie Zamar sa University of Perpetual Help, kung sakaling makalaro pa tayo sa SEA Games.

BO PERASOL

BOYZIE ZAMAR

CHUNKEE GIANTS

COACH BINKY

COACH ERIC

COCA-COLA TIGERS

FORT BONIFACIO

JOHNNY ABARRIENTOS

MAGIC JOHNSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with