San Beda vs San Sebastian sa NCAA junior title

Ipagtatanggol ng defending juniors champion San Beda College ang kanilang titulo kontra sa San Sebastian College matapos ang magkahiwalay na panalo sa Final Four ng NCAA juniors basketball tournament sa Cuneta Astrodome kahapon.

Umiskor si Nicholson Prinsipe ng 20-puntos habang tumapos naman ng double double si Carmelo Afuang na 12-puntos at 17-rebounds upang ihatid ang SBC Red Cubs, 80-73 panalo kontra sa Philippine Christian University tungo sa kanilang ikalimang sunod na finals appear-ance at puntiryahin ang ika-15 titulo.

Makakaharap nila ang sa SSC Staglets na na-naig sa Jose Rizal University Light Bombers, 95-82 tagumpay sa ikalawang laro. (CVOchoa)

Show comments