Sinimulan ni Pacquiao ang Linggo ng umaga sa pagsimba sa Christ the King Church na may limang minuto ang layo mula sa kanyang $4,000-a-month, two-bedroom apartment sa La Brea area.
Kasama niyang nag-simba ang kanyang asawang si Jinkee kapatid na si Bobby miyembro ng kanyang team na kinabibilangan ng kanyang local trainer at kababatang kaibigan na si Buboy Fernandez.
At tulad ng pagbisita niya dati sa Catholic church, madaling makilala si Pacquiao na nakasuot ng pulang jacket, dark pants, rubber shoes at maliit na galos sa ilalim ng kanang mata.
Pagkatapos, nagtungo ito sa Marriot Hotel sa downtown LA upang bisitahin ang ilang kaibigan, at tumigil ng halos dalawang oras sa lobby sa pagpirma ng autographs, tawag sa telepono at kuwentuhan sa mga kabigan.
Nakapanood din ito ng US Open Finals kung saan tinalo ng batang si Roger Federer ang may edad nang si Andre Agassi.
Nag-drive ng kanyang Lincoln Navigator, nagtungo si Pacquiao at mga kasama sa Chinatown para sa isang tanghalian kung saan nagpiyesta ito sa steamed fish, spicy crabs, fried noodles at beef with broccoli.
At pagkatapos ay umuwi na ito sa kanyang apartment. Plano nitong mag golf o mag-shopping kinabukasan depende sa kanyang mood. (Ulat ni Abac Cordero)