^

PSN Palaro

Third Place Ang Mapua

FREETHROWS - AC Zaldivar -
Talo talaga!

Iyan na lamang ang nasambit ni Mapua Tech. coach Horacio Lim matapos na payukuin ng nagtatanggol na kampeong Philippine Christian University Dolphins ang Cardinals, 76-53 sa Final Four ng 81st NCAA men’s basketball tournament noong Biyernes.

Bunga ng pagkatalo ay nabigong makausad ang Cardinals sa championship round at sa halip at maglalaban ang PCU at Letran College sa best-of-three Finals na magsisimula sa Lunes.

Dalawang beses na kailangang talunin ng Cardinals ang Dolphins dahil sa pumangatlo lang sila sa elimination round. Pero hindi na sila pinaporma pa ng PCU. Sa kabuuan, tatlong beses na natalo ang Mapua sa PCU sa season na ito.

Kung tutuusin, pwede sanang mamili ng kalaban ang Mapua sa Final Four. Kasi, kung natalo ang Cardinals sa San Sebastian Stags sa huling game ng elims, Letran ang makakaharap ng Cardinals. Kontra Letran ay 1-1 ang record ng Cardinals sa elimination round.

Pero hindi ganoon ang prinsipyo ni Lim. Tinambakan ng Cardinals ang Stags upang pumangatlo sa elims at makaharap ang Dolphins na hindi pa nga nila tinatalo. Ayon kay Lim, ayaw niyang mamili at gusto niyang lahat ng laro ay ipanalo niya. "We always play the game as it should be played," aniya.

Dahil dito ay sinaluduhan siya ng lahat.

Alam niyang matarik na bundok ang aakyatin ng Cardinals kontra Dolphins pero hindi nila ito iniwasan. Kung aabot sila sa Finals at kung magkakampeon sila, kailangang malampasan nila ang PCU.

Pero hindi nga nila nalampasan ang Dolphins.

Sayang!

Nagawa nga ng Cardinals na makalamang, 51-49 sa simula ng fourth quarter at sa puntong iyon ay inakala ng mga suporters ng Cardinals na makakapuwersa sila ng rubber-match. Pero biglang nanahimik ang Cardinals at nagpaulan na naman ng three-point shots si Robert Sanz.

"At least, nagbigay kami ng magandang laban kahit hanggang sa simula lang ng fourth quarter. Pero mahirap talagang talunin ang PCU. Individually, mas talented ang Dolphins kaysa sa Knights. Ang Letran naman ay maganda ang teamwork. So tingin ko match-na-match silang dalawa sa championship round," ani Lim.

Hindi na rin nakakahiya sa Mapua ang third place finish nito lalo’t iisiping bago nagsimula ang torneo ay seventh seed ang Cardinals. Wala ngang nag-akala na papasok sila sa Final Four, e.

Sa 2006 ay matatapos na ang kontrata ni Lim sa Mapua. Isang taon na lang siyang magko-coach ng Cardinals. Pero sa loob ng na-karaang limang taon ay ipinakita niya na kahit walang recruitment program ang Cardinals at kahit na sa intramurals lamang nanggagaling ang kanyang mga manlalaro ay lumalaban sila hanggang dulo.

Ganyan naman talaga ang dapat na maging kalakaran sa college basketball.

At iyan ang ipinagkakapuri ni Lim.

ANG LETRAN

CARDINALS

FINAL FOUR

HORACIO LIM

KONTRA LETRAN

LETRAN COLLEGE

MAPUA

MAPUA TECH

PERO

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY DOLPHINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with