Venues sa Subic Bay wala nang problema
September 11, 2005 | 12:00am
Halos wala nang problema ang apat na sports events pagdating sa mga venues na kanilang gagamitin sa Subic Bay Freeport sa Olongapo City para sa 23rd Southeast Asian Games.
Ito ang tiniyak ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Sports Tourism Director Kenneth Peralta kaugnay sa kanilang kahan-daan na pangasiwaan ang archery, canoe/kayak, sailing at triathlon event ng 2005 SEA Games.
"Iyong mga archers natin ay nagpa-practice na sa kanilang venue and in a few weeks dadating na rin ang mga canoe-kayak athletes natin," wika ni Peralta. "Lahat kami talaga ay excited na for the 2005 Southeast Asian Games."
Nakatakda ang naturang biennial event sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.
Gaganapin ang archery sa Remy/Baseball Field, samantalang idaraos naman ang canoe/kayak sa Malawaan Fishing Area, ang sailing ay sa Subic Bay Yacht Club at ang triathlon ay sa Boardwalk.
Kumpiyansa naman si Peralta na marere-solbahan ang suliranin ng mga atletang Pinoy kaugnay sa kanilang hotel accommodation.
"They should not think about it na hindi sila ililipat sa maayos na hotel. Same discount ang ibibigay sa kanila ng mga private hotel sa Subic. And we have requested the hotels to support us," sabi ni Peralta.
Ang SBMA ay isa sa tatlong satellite events ng 2005 SEA Games bukod sa Bacolod City at Cebu City, habang ang Metro Manila naman ang tumatayong main hub. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended